Monday, February 22, 2016

Iniwan mo akong pira-piraso sa mga panahong kinailangan kita ng buong buo. Hindi ko maipaliwanag ang sakit o kung anong klase ng sakit ba yung naramdaman ko matapos masayang ang lahat ng pinaghirapan ko - makuha ka lamang, hindi ko malaman kung paano ko pa mabigyang halaga ang buhay ko ngayong wala ka na sa tabi ko. Alam kong binigay ko ang kalahati ng sarili ko para sayo, kalahati kasi alam kong hindi ako magiging buo kung wala ka. Tumira ako ng kalahati para sa sarili ko ngunit, ang kalahati kapag wala ang kahati nito ay hindi kailanman magiging buo. Minahal kita sa alam kong kaya ko, minahal kita sa kahit anong paraang pwede kong maipakita sayo, sa ibang tao at maipagmamalaki ko yon sa sarili ko. Ngunit bakit ba mahal? ako'y iniwan mo? Wala na akong iba pang alam na pwedeng sabihin sayo kundi mahal kita, bakit iniwan mo akong kalahati, ngayon ako'y pira-piraso na at sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung paano bumangon dahil wala ka na.

No comments:

Post a Comment