Sunday, August 10, 2014
Hanga ako sa mga taong pinipilit maging malakas kahit nasa kanila na ang lahat ng karapatan para sumuko. (c)
Hindi ko alam kung anong klaseng tao kung magmahal sila, hindi ko rin gusto na husgahan ang bawat isa sakanila lalo na't hindi ko alam ang buong istorya ng buhay pag-ibig nila, hindi ako naging saksi sa kung paano, kailan nagsimuloa ang pagmamahal nila sa iisang tao; marahil inakala nila na yung taong nakasama nila sa maikling panahon lang o sa mahabang panahong pagsasama pa yan, yun na ang tinatawag nilang "The One", pero hindi nila alam siguro itinakda lang siya ng Diyos na makilala ang taong yon para mas makilala mo pa ang tunay na nagmamay-ari ng puso mo, yung talagang "The One" kung matatawag, pero dahil marami pang gustong mangyari saatin si God, kaya eto, binibigyan nya tayo ng pagsubok pero alam nya na walang pagsubok ang hindi natin nakakaya basta ba, lagi natin syang kasama at hindi nya tayo pinapabayaan. (A friendly reminder lamang po ☺) Hindi ko naman siguro masisisi ang mga ganung tao kung magmahal na lang sila sa mga inakala nilang para sakanila na, kasi baka nung mga panahong masaya at wala pang problema ang lahat eh nasusulusyonan pa, nangingibabaw pa rin yung pagmamahalan nila sa isa't-isa, hindi pa uso ang pride sakanila sa mga panahong yon tapos ngayon, paggising nila sa isang umaga, biglang naging one-sided love na lang, wla na yung dating kayo, hindi na masaya, wala ng spark, magic o ano pa man ang tawag dyan. May mga tao kasi na hindi basta-basta sumusuko lalo na sa ngalan ng pag-ibig kahit na halata na ang pagiging tanga nila, hindi pa rin, mahal pa rin daw nila ang taong yon kahit ilang beses na silang iniwan, ginago, haay ewan ko ba, anong klaseng pana yung pinana ni kupido sakanila at hindi nila maalis sa puso nila ang panang yon. Tsk3x! Pero may iba pa namang paraan eh, kasi baliw o tanga lang naman sila pagdating sa pag-ibig, hindi sa lahat, gumagana pa yung utak nila, kaya pa nilang pairalin yon, kaya nga nasa taas ang utak bago ang puso eh kasi kailangan laging nasusunod ang utak, hindi ang puso, sadyang makulit lang talaga ang puso, siguro yung puso, maharot, kaya damay pati mga hormones ng isang tao sa pag-ibig o sa pagkagusto nya sa isang tao, hindi naiiwasan, hirap pigilan, pero kayang kaya naman pag ginusto talaga lahat ng bagay may paraan, madaling sabihing: "Move on, life goes on" sa taong hirap na hirap sumuko pero kung ikaw na siguro ang nasa sitwasyon nya o kalagayan nya, dun mo marerealize kung bakit pinipilit pa rin nila maging malakas kahit nasa kanila na ang lahat ng karapatan para sumuko sa taong mahal nila, kahit na pwede pero sadyang laging karugtong ang salitang "mahirap" :(
Labels:
advice,
boygirlrelationship,
heart,
love,
mahal,
pagibig,
pagmamahal,
relasyon,
relationship,
tagalog,
teenscanrelate,
why
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment