Sunday, August 31, 2014

Gusto ko na may isang taong magiging swerte dahil ako ang kasama niya ♥

Naiisip ko lang kasi nahindi naman lahat ng taong nasa relasyon na ay masaya na, at hindi rin naman lahat ng taobg masaya ay dahil sa pag-ibig. So sigruo sa isang pangungusap na inuna kong isulat eh hindi nyo pa naiintindihan yung ibig sabihin ng title ko sa post na 'to. Gusto ko lang talaga na ipaintindi muna sa lahat ng tao lalo na sa mga kabataang sa tingin nila eh magiging masaya sila lagi basta't may minamahal, well, mali kayo mga hijo't hija, hindi naman sa inuunahan ko ang mga posibleng mangyari kapag nagmahal kayo pero gusto ko lang eh maging aware kayo lalo na sa panahon ngayon na uso ganito ganyan, ligawan na pang-madalian na lamang, wala na yung pangmatagalan na ligawan, dahil panahon pa yun ng mga lolo't lola natin, matatanda na sila at sakanila ako naniwala na may forever pa :) Oh sya, tama na ang mga mabulaklak na salita. Sa ilang taon ko na ring pamumuhay dito sa Pilipinas, napaisip ako na kapag nagmahal ba ang isang teenager, pano mo nga ba masasabi na totoo yon? Kasi ako, hindi na ako teenager eh. Dalawampu(20) taon na ko pero masasabi ko na hindi pa ganun kalawak at kalalim ang kaalaman ko pagdating sa pag-ibig, relasyon at kung ano pa mang tawag mo kapag tumibok na yang puso mo at kapag pinana na yan ni kupido, wala ka na talagang magagawa kundi sundin ito!(wait, parang kanta na to ah. haha) Sino bang babae yung hindi makakaramdam na swerte sya kung sa tingin nya nahanap nya na yung si "The One" niya, yung bang lalaki na nasa kanya na lahat ng katangian na gusto mo at mamahalin mo sya hindi lang dahil sa kung anong meron sya kundi dahil sya talaga yung lalaking nagparamdam sayo ng tamang pagmamahal, sya talaga yung nagpakita ng tunay na pag-ibig na dadanasin mo sa piling nya. Pero sa huli, talagang natural na sa mga babae na mag-advance thinking, ovethinking, grabe noh, ang daming echos pagdating sa mga babae, hindi namin naiiwasang isipin na kung ano rin kaya sa pakiramdam ng taong mahal namin na ikaw ang nakasama niya, na kung masaya ba siya na ikaw ang pinili nyang makasama, yung sayo niya lang ibibigay ang pagmamahal na hindi mo man hiniling eh kaya nyang ibigay ito ng buo sa puso nya at walang nang atrasan pa. Gusto kong ipagmalaki nya ako, hindi sa buong mundo kundi sa mga taong bumubuo ng mundo ko at isa na sya dun, yung hindi sya mag-aalangan na sa huli, ako yung babaeng pinili nyang makakasama habang buhay at gagawa ng isang masaya't kumpletong pamilya sa darating na mga panahon. :)

Saturday, August 23, 2014

Wala na ba talaga?

Nakakalito na may halong pagka-inis kapag nagkataon na naglalaban yung isip at utak mo kung sinong mananalo at kung sino sa dalawa ang dapat mong sundan, sabihin na nating sa isip mo, wala na talaga, pero sa puso mong sadyang makulit eh meron pa, hindi mo alam kung alin sa dalawa ang mali at tama kasi parehang naglalaban yung damdamin at emosyon na meron ang mga organs mo, pero para sa mga matatalino pagdating sa pag-ibig, alam ko pipiliin nila lagi kung ano yung sinasabi ng utak kasi nga sabi nila "kaya nga nasa itaas ang utak eh, paalala ito na laging tama ang utak kesa sa puso, kailangang laging nasusunod ito kesa sa puso", pero para naman sa mga hindi gaanong matalino sa pag-ibig or shall I say baliw at tanga sa pag-ibig,(Sorry kung may naoffend man ako) laging nasusunod yung puso nila, rason nila: "Puso ang nagmamahal, hindi utak", tama nga naman sila at wala akong karapatan na sisihin ang mga opinyong naiisip  nila kasi natural na lumalabas ito sa kung ano man ang pansamantalang nararamdaman nila at talagang tunay ang pagmamahal nila sa isang tao. Pero, isang malaking pero, paano kung sa isang iglap na lang, ang pagmamahal na yun ay unti-unti nang hindi napapahalagahan, masusunod pa rin ba ang puso? Pwede mo bang mapigilan ang isang pusong nagmamahal? Pwede mo bang mapagsabihan ang isang bagay na alam mong kahit kelan laging nasusunod ang gusto? Kinukulit ka, pinipilit ka na talagang mahal mo ang isang tao kahit alam mong mali na, tama na kasi pagod kana, kasi wala na, wala na ang dating pagmamahal, dapat pa bang sisihin ang pusong tanging ginawa ay magmahal ng tapat pero sa huli, laging natatalo , dahil sumobra ang pagmamahal at umapaw kaya nasayang na lang. Kapag ganitong sitwasyon na ang nangyari saakin, pipilitin ko nalang rin na wala na talaga. :'( Kasi, wait, hindi pa ko tapos, kung meron pa talagang natitirang pagmamahal, babalik at babalik ng kusa ang taong minamahal natin, kahit gaano pa kalupit ang tadhana na paghiwalayin at ipaglayo kayo, still, yung pagmamahal nyo sa isa't-isa ang magpapakita na talagang meron pa :)

Sunday, August 10, 2014

Hanga ako sa mga taong pinipilit maging malakas kahit nasa kanila na ang lahat ng karapatan para sumuko. (c)

Hindi ko alam kung anong klaseng tao kung magmahal sila, hindi ko rin gusto na husgahan ang bawat isa sakanila lalo na't hindi ko alam ang buong istorya ng buhay pag-ibig nila, hindi ako naging saksi sa kung paano, kailan nagsimuloa ang pagmamahal nila sa iisang tao; marahil inakala nila na yung taong nakasama nila sa maikling panahon lang o sa mahabang panahong pagsasama pa yan, yun na ang tinatawag nilang "The One", pero hindi nila alam siguro itinakda lang siya ng Diyos na makilala ang taong yon para mas makilala mo pa ang tunay na nagmamay-ari ng puso mo, yung talagang "The One" kung matatawag, pero dahil marami pang gustong mangyari saatin si God, kaya eto, binibigyan nya tayo ng pagsubok pero alam nya na walang pagsubok ang hindi natin nakakaya basta ba, lagi natin syang kasama at hindi nya tayo pinapabayaan. (A friendly reminder lamang po ☺) Hindi ko naman siguro masisisi ang mga ganung tao kung magmahal na lang sila sa mga inakala nilang para sakanila na, kasi baka nung mga panahong masaya at wala pang problema ang lahat eh nasusulusyonan pa, nangingibabaw pa rin yung pagmamahalan nila sa isa't-isa, hindi pa uso ang pride sakanila sa mga panahong yon tapos ngayon, paggising nila sa isang umaga, biglang naging one-sided love na lang, wla na yung dating kayo, hindi na masaya, wala ng spark, magic o ano pa man ang tawag dyan. May mga tao kasi na hindi basta-basta sumusuko lalo na sa ngalan ng pag-ibig kahit na halata na ang pagiging tanga nila, hindi pa rin, mahal pa rin daw nila ang taong yon kahit ilang beses na silang iniwan, ginago, haay ewan ko ba, anong klaseng pana yung pinana ni kupido sakanila at hindi nila maalis sa puso nila ang panang yon. Tsk3x! Pero may iba pa namang paraan eh, kasi baliw o tanga lang naman sila pagdating sa pag-ibig,  hindi sa lahat, gumagana pa yung utak nila, kaya pa nilang pairalin yon, kaya nga nasa taas ang utak bago ang puso eh kasi kailangan laging nasusunod ang utak, hindi ang puso, sadyang makulit lang talaga ang puso, siguro yung puso, maharot, kaya damay pati mga hormones ng isang tao sa pag-ibig o sa pagkagusto nya sa isang tao, hindi naiiwasan, hirap pigilan, pero kayang kaya naman pag ginusto talaga lahat ng bagay may paraan, madaling sabihing: "Move on, life goes on" sa taong hirap na hirap sumuko pero kung ikaw na siguro ang nasa sitwasyon nya o kalagayan nya, dun mo marerealize kung bakit pinipilit pa rin nila maging malakas kahit nasa kanila na ang lahat ng karapatan para sumuko sa taong mahal nila, kahit na pwede pero sadyang laging karugtong ang salitang "mahirap" :(

Sunday, August 3, 2014

Kasama kang tumanda

Alam ko sa ngayon, nasa kalahati ang naniniwala na may forever pa at nasa kalahati rin yung hindi na naniniwalang may forever pa, hm, hindi pa naman nila nasubukang tumanda ng ganyan, hindi nyo ba nasubukang mapansin yon sa mga lolo't lola nyo? Kung bibigyang halaga natin ang mga yon, malalaman natin na may forever pa naman talaga eh, kasi nga sadyang may mga puso pa rin namang nagmamahal nang pang-matagalan, pang-habambuhay, tapat, totoo sa nagiisang mahal sa buhay nila. Yung mga pusong nagmamahal, yun yung mga tipo na kung magmahal ayaw ng may katapusan. Hindi lang dahil sa nangako sila sa isa't isa at nagsumpaan sa harap ng Diyos at sa maraming tao kundi sa mga kaibuturan ng puso nila sa isa't isa ang pangakong yon ay walang sinuman o anuman ang makakahadlang sa pag-iibigan nila. Hindi nila kailangan ng ibang tao para lang ipakita kung gano nila kamahal yung taong mahalaga sakanila, ang presensya ng isa't isa ay sapat na. Minsan nga, naiiyak ako sa mga lolo o lola na nakikita kong dumadalaw sa puntod ng taong pinakamamahal nila, hindi ko alam kung pano ipaliwanag ang lungkot na nadarama ng mga 'yon sa mga panahong nauna na yung taong mahal nila, siguro labis-labis na sakit ang nararanasan nila sa mga puso nila, kasi kung iisipin, sa ilang taong pagsasama eh matatapos rin pala pero alam ko na sa mga panahon ding yon, may tuwa at saya rin naman na kapalit dahil, sa wakas, nalampasan nila ang mga pagsubok na dumating sa buhay nila, hindi man nila ginusto ang mga pangyayari, kailangan tanggapin, ang mahalaga, naging masaya sila sa mga panahong nagmamahalan sila, hindi nila hinayaan na mauwi sa lahat ang sakripisyo na ibinigay nila para umabot sila sa ilang taong pagsasama, tanging kamatayan lang ang nagpahiwalay sakanila, pero di bale, sa kabilang buhay, kung saan naroon ang kaharian ng Diyos, magsasama silang muli :) Kaya ako, hindi ako naniniwalang wala ng forever, meron, siyempre, hindi pa natin ito nararamdaman kasi wala pa tayo sa puntong makikilala na natin ang taong mamahalin natin ng pang-habambuhay, pang-matagalan at yung taong itinakda satin ng Diyos, darating rin siya, baka na-traffic pa :)

Saturday, August 2, 2014

Kahit na

Mahirap kasi isipin na ang mga bagay sa mundo eh minsan may katapusan, hindi man natin ginusto ang mga pangyayari, kailangan nating tanggapin ang mga 'yon dahil ito ang nakatadhana. (Oh teka! Kay tadhana ba naman dapat isisi ang lahat?) Pero hindi naman ibig sabihin yon eh si tadhana na ang may gawa, sabi nga ng karamihan: "Destiny is a choice", ibig sabihin, tayo mismo ang pumili ng gusto nating tadhana. (Ganun?) Hindi kasi natin malalaman kung ano ang mga pwedeng posibleng mangyari sa mga susunod na kabanata sa buhay natin, ang mahalaga ay maging handa tayo sa kung anumang mga pangyayari na hindi natin inaasahan, gaya ng hindi nyo alam kung bakit "Kahit na" ang nilagay kong title sa post ko na 'to. Haha oh siya, sasabihin ko na, kahit na hindi kayo tulad ng dati, kahit na hindi na kayo nagsasama ng masaya gaya noon, kahit na hindi na ikaw yung mahal nya, kahit na may iba na siya, kahit na kinalimutan ka na niya, kahit na binura ka na sa puso't isip niya, kahit na kunwari hindi ka na niya kilala o sa madaling salita kahit na hindi na kayo, aminin mo man o hindi, para sayo, siya pa rin yung mahal mo, sabihin nga nating, hindi kasi ganun kadali kalimutan ang taong minahal mo ng sobra, lubos, labis o ano pa mang matatawag dyan dahil siya yung isa sa mga taong mahalaga sayo na nagpakita kung gano kasarap magmahal, siya yung taong inaasahan mo sa mga panahong malungkot ka at kailangan mo ng karamay, siya yung taong handang punasan ang mga luha sa mga pisngi mo, siya yung nagpakita sayo kung gano kasarap mabuhay sa mundo nang may minamahal tapos isang araw na hindi mo inaasahang mangyari ay nangyari na lang - ang mawala na ang taong pinakamamahal mo. Yung mga hindi mo inaasahang mangyayari noon, ayan, hindi mo na pwedeng pigilan kasi nakatadhanang makikilala mo siya na taong inakala mong mamahalin mo na pang habambuhay at nakatadhana rin palang iwan ka sa hindi mo inaasahang pagkakataon. T_T Hindi mo alam kung bakit kailangan pa ito mangyari sayo gayong wala ka namang ibang ginawa kundi mahalin siya sa paraang alam at kaya mong ipakita sakanya, iisipin mo nalang, kulang pa ba? o sobra na kaya nagsawa na siya sa pagmamahal na ipinakita mo? Pero malulungkot ka pa rin, kasi akala mo na sobra yung binigay mong pagmamahal sakanya ay susuklian nya rin yon ng sobra para sayo, pero sabi nga nila, wag sobrahan kasi baka pag umapaw, mabubuhos lang, sayang pa. Inihahambing ito sa pagmamahal ng isang tao. Pero sa kabila ng mga pangyayaring o pagsubok na nararanasan mo sa taong mahal mo ngayon eh isipin mo nalang na tadhana talaga ito na itinakda ng nasa taas para makilala pa natin ang taong karapat-dapat sa atin sa huli. :)

Monday, July 28, 2014

Paano nababago ang mood ng isang tao sa Musika? ♫

Musika, kadalasan na isang sining/libangan, ay isang kabuuang panlipunang katotohanan na nagkaiiba ang mga kahulugan ayon sa kapanahunan at kultura," sang-ayon kay Jean Molino. Kadalasang pinagkakaiba ito sa ingay. Sang-ayon sa musikolohista na si Jean-Jacquse Nattiez: "Ang hangganan sa pagitan ng musika at ingay ay palaging kultura ang nagbibigay kahulugan--na nagpapahiwatig na, kahit sa loob ng nag-iisang lipunan, ang hangganan na ito ay hindi palaging dumadaan sa parehong lugar; sa madaling salita, bihira ang pagkakaisa. Sa lahat ng pangyayari, wala ni isa at interkultural na unibersal na kaisipan na nagbibigay kahulugan kung ano ang musika.Maaring ipahayag ang damdamin sa pamamagitan ng musika. - ayon kay Manong Wikipedia. Sa opinyon ko naman, Maraming nagagawa ang musika sa ating buhay, sabi nga ng iba: "Music is my life." Bakit nga ba kasama na sa buhay natin ang musika? Ito kasi yung isa sa mga bagay na kung saan pwede nating makalimutan pansamantala ang mga bagsik at hagupit ng tadhana sa buhay natin, kahit sa hindi umabot limang minutong pakikinig sa kung anumang uri ng tugtugin ang gusto nating pakinggan o yung kung saan sa tingin natin makakapagpapagaan ng bigat sa pasan-pasan nating problema sa mundo. Char! Ooo may mga ganitong pagkakataon talaga na hindi natin pwede o kayang maiwasan kasi nga, naka-tadhana na, kumbaga pagsubok lang kung anuman yung mga posibleng harapin natin sa buhay, tanggapin na lang natin yon basta ba, may karamay ka pa rin bago matapos ang isang araw. Sa maikling pakikinig sa musika, nakakabago rin ito ng mood natin, ng isang tao, lalo na kung galit ka, maya-maya subukan mong makinig ng paborito mong tugtugin, mababawasan yung galit mo, makakapag-kalmado ng reaksyon mo. Hahaha narasabi ko ito kasi naranasan ko ng magalit ng sobra (Yata! Yun sa tingin ko eh, sobra na yun naing reaskyon ko ng mga panahong yon) na para bang kahit ano na lang mga masasamang salita ang lumalabas sa bunganga ko gaya ng: p**a, p***********mo, (wait! mahalaga pa ba yang asterisks? alam nyo na rin naman ang ibig kong sabihin, okay eto talaga yun eh) puta, putanginamo, bwiset, pakyu. Nakokonsensya talaga ako minsan pag nasasabi ko yang mga yan kasi parang minumura ko na rin yung nanay ko. Kaya nagbago na ko ngayon, yung pagiging nagger ko dati, mejo nabawas-bawasan na ngayon, hindi naman kasi talaga maiwasang magmura minsan eh lalo na kung talagang sa paraang yon, dun mo malalabas yung nararamdaman mo, kesa naman sa pisikal na paraan pa, 'ba! edi mas mahirap na yon, dumoble pa ang kasalanan natin. Pagkatapos ko nabitwan ang mga salitang yon sa taong sumira ng araw ko eh, naisipan kong magpatugtog ng mga paborito kong kanta, tapos ayun, matapos ang mga pitong kanta lang yata eh nahimasmasan na ko, nagsorry ako dun sa taong nakagalit ko. Yung bang pride ko biglang bumaba. At hindi lang yon, naka-reakize ako ng mga bagay na hindi sa sigaw nadadaan ang lahat, dapat eh mabuting usapan muna, kalmadong usapan para maiaayos ang di pagkakaintindihan. Binago ng musika ang galit na galit na mood ko sa mga panahong yun. May disadvantage rin naman minsan ang pakikinig ng musika lalo na kung broken-hearted ka tapos nakikinig ka pa sa mga kantang alam mong makaka-relate kang talaga hahaha edi mas lalo ka magiging emosyonal dahil sa pinapakinggan mong tugtog, mas mabuting pillin mong kanta yung rock at yung mga pang sayaw-sayaw para imbes na luluha luha ka sa kanta eh mapapasayaw ka nalang at makakalimutan mo pa na borken-hearted ka. Hahaha ngayon, kumakanta na ko kahit minsang hindi ko alam ang lyrics, frustrated singer kasi ako eh. Sabi ni mudra, hahaha totoo naman siya. Oo talaga, maganda yung boses ko? Gusto nyong marinig? De, wag na, tatawa pa kayo eh, pahiya ako nyan haha. Salamat Musikang aking taglay. :) ♫♫♫

Friday, July 11, 2014

Pang-aabuso sa mga Pinoy sa Sausi Arabia

Ilang beses at paulit-ulit na akong nakakarinig ng mga ganitong klaseng balita sa T.V , sa radio, nakakabasa sa dyaryo at sa kung saan pa man. Maraming bad news pero itong klase ng balita ang narinig ko ngayong gabi ay talagang nakakagimbal-gimbal para sa akin kasi Pinoy ako at concerned ako sa mga kapwa ko Pilipino, parang nasasktan din ako pag may nakikita akong mga kababayan ko na nagtatrabaho at nagpapakahirap sa ibang lugar para maihaon ang kanilang pamilya, nagbabakasakaling makahanap ng marangal na trabaho sa ibang bansa tapos. . . . ganun lang? ganun na yung magiging kapalit na buhay doon? Lahat ng hirap at pasakit nya sa paraan na maihaon ang pamilya nang sinumang ofw ay may mas hihigit pa pala. T_T Naiiyak ako kasi parang hindi tao kung ituring nila ang mga Pilipino, ginagawa nilang hayop sa paraan na sa tingin nila sasaya sila pag ginawa nila, may kung anong klaseng satanas ang sumasanib sa kanila at nagagawa nila gawing kaawa-awa ang mga kababayan ko. Bakit? Para saan ba at kailangan nilang gawin yon? Ano ba ang matinding kasalanan na nagawa naming mga Pinoy sa inyo? Sa paraang tanong kong ito, hindi ko alam kung sinong Arabo man ang may lakas na sagutin itong taning kong to, dahil hindi naman nila maiintindihan. S una pa man, wala talaga silang utak, hindi nila maiintindihan kung ano ang ginagawa nila at bakit nila ito ginagawa, nasa isip pa ba sila sa mga oras na pinapahirapan nila ang sinumang nagtatrabaho para sakanila? Ginagawa naman lahat ng mga kababayan ko ang anumang makakaya at serbisyo na ibigay nila sakanila, pero anong sinusukli nila, pagpapahirap, pagpapakahayop, pambababoy at kung ano pa mang matatawag diyan. Isa lamang demonyo at wala sa tamang pag-iisip ang makakagawa nito. Wala akong karaatan at kapangyarihan na iligtas ang mga kababayan kong nagpapakahirap sa Saudi Arabia magin ang mga namamahala dito sa ating gobyerno dahil sila mismo inuunahan ng takot at kaba pero alam ko na ang Diyos, meron, alam kong Siya na lamang ang bahalang humatol sa mga uri ng taong gumagawa ng kagimbal-gimbal na gawain sa buhay ng may buhay. Hindi man mabigyan ng tamang hustisya ang pagkamatay at pang-aabusong dinaranas ng mga kababayan ko sa Saudi ay Diyos lamang ang nakakaalam kung paano Niya bibigyan ng kapalit at aral ang mga taong may gawa nito.

Thursday, July 10, 2014

Love at first sight?!



Do you believe in love at first sight? Or should i walk by again? – quotes by Unknown. Sorry di ko kilala eh.


Kung akong tatanungin, hindi agad ang isasagot ko. Eh wala pa naman kasi nangyari to sakin eh, yung nasa featured image ko, yang ganyang scenario, wala pa talaga, ewan bakit, alangan namang dadala ako ng maraming libro kung hindi ko pala kayang bitbitin ang mga ‘yan tapos ihuhulog ko kunwari, maghihintay na may isang prince charming na pupulot ng mga libro ko? Eh pano kung wala, pahiya ng konte yung drama ko kung ganon hahaha At saka, nangyayari nlang naman ‘to kung kagandahan ang isang babae, eh syempre baka nga mag-aagawan pa ang maga lalaking tutulong at pupulutin yung mga libro nyang nahulog tapos kung saakin mangyayari yun, imposible, sa panaginip ko malamang, magiging posible. At isa pa, sa mga gwapo’t magaganda lang naman yun nangyayari talaga eh, isipin mo nga, kung sa mga pangit(ay sorry!) o sabihin na nating sa mga di gaanong nabiyayaan ng makinis na balat, gwapo at magandang itsura nangyari ang ganung scenario eh parang kadiri, diba? hahaha (sorry naman, nakaka-offend na ba ako? wala kang pakialam, blog ko ‘to, nakikibasa ka lang haha) Parang hindi kasi nakakatuwang tingnan ang ganun, parang masasawa ka nalang, kasi paulit-ulit na lang laging may ganung pagkakataon. >______< Tapos maiinis kapa kasi di mo na kailangang mag-isip ng pwedeng mangyari pagkatapos nung banggaan at unang pagkikita kasi alam mo na. Magpapakilala yung lalaki sa babae, magpapalitan sila ng mga ngiti sa isa’t-isa. Yung ganun, saan ang love dun? Saan? Agad-agad? Pinana ka na ni Cupido nun? Eh hindi mo pa nga lubos nakilala yung taong nakabunggo mo tapos love agad? Aba! Matindi yata ang malandi na mga hormones niyo! Kairita! Ewan ko lang sa mga taong nakaranas ng ganito, di ko sila tinanong. Pero basta ako, hindi ako naniniwala sa mga imposibleng mangyari sa akin, sa buhay ko. Siguro sa mga taong nakaranas nito eh hindi ko na sila masisi kung agad-agad eh natagpuan na nila ang soul mate nila matapos ang mahabang panahon, sa ganitong bungguan lang pala sila pagtatagpuin ni Cupido. Haaaaayyyy! Wala kasi akong pinagtanong-tanungan na mga tao kung anong opinyon nila saLove at first sight kasi baka mababaraw ko lamang sila(jk!). Kaya mabuti pa opinyon ko nalang ang isusulat ko dito at nasulat ko na nga :D Iba-iba naman kasi ang paraan kung paano natin makikilala ang soul mate natin, matatagalan, yung iba ewan ko kung bakit tumatandang dalaga at binata na lang nga kasi di pa nila nakikila ang soul mate nila, o talagang ayaw lang nilang magmahal, iba kasi ang ayaw sa takot, Haynako! sakit sa gums, bahala na sila. Basta hindi ako naniniwala sa love at first sight, kasi hindi ko pa kilala yung tao, sa ugali naman ako naiinlab eh ♥

TIME!

Paghahanap ng Trabaho



Una palang sasabihin ko sainyo, mahirap pala talaga, sinasabi ko to ngayon kasi naranasan ko na, fresh graduate pa po ako ng kursong Bachelor of Science in information Technology natapos ko ito sa loob ng apat na taon pero ngayon, isa ako sa mga pinoy na unemployed, hindi man ako nagmamadali pero masasabi ko talagang kailang-kailangan ko talaga ng trabaho, nagiging desperada ako kasi gusto kong makaranas na may pinagkakaabalahan ako at sa kabilang dako, makakatulong pa ako sa mga magulang ko. Gusto ko kasing maipagmalaki nila ako, kahit sinong anak gusto ang ganon, yung lahat ng panahon at ilang taong pinag aral ka ng mga magulang mo, gusto mo bigyan ng kapalit ang lahat ng sakripisyo na binigay nila sayo, na gugustuhin mong pagpahingaan mo na sila para ikaw naman ang tutulong at mag-aalaga sa kanila. Pero sa panahon ngayon, pahirapan na talagang maghanap ng trabaho, kailangan talagang four year college graduate ka, kung two years lang, mejo malabo pa, mas magiging lamang yung mahaba habang taon ang pinagaralan, mas mahihirapan kapa kung yung mga kasama mong mag-aaplay eh may master’s degree pa, nasa ibabang lebel ka pa. At syempre hinahanap talaga yung taong may experience na, minimum of two years, kingina naman oh! PAANO KAMI NYAN? Mahirap maghanap yung trabahong para pa lamang sa mga fresh graduates tulad ko kasi minsan iisipin ng isang kompanya na experience lang talaga habol namin(totoo yon pero hindi naman lahat, tatagal naman kami basta may maayos na benepisyo ang ibibigay). Dalawang kompanya na ang binagsak ako sa interview, nagsisisi ako kasi hindi ko inayos, naging mahina ang boses ko sabi ng mga interviewer, sorry eh cute kasi ako eh, kaya cute din ang boses ko(hahahaha). Hanggang dito na lang. Goodluck kiss nyo naman ako sa journey ko for finding a decent job haha salamat. mwah mwah tsup tsup. :*

Wednesday, July 2, 2014

Hanggang tingin na lang ako sayo

Sino nga ba ang hindi pa nakaranas ng ganitong pagkakataon? Hindi lamang mga lalaki ang unang nagkakagusto, syempre, kaming mga babae din ang mas nakakarelate sa ganitong karanasan, lalo na, kasi nga, babae kami, hindi kami pwede unang magpakita na gusto namin ang isang lalaki, ayaw namin na kami ang nauuna kasi iba ang magiging impresyon ng mga taong nakapaligid saamin. Totoo yun, kahit na hindi ito big deal sa iba, meron pa rin talagang tao na huhusgahan ka. So ayun, hirap talagang sabihin sa isang tao na gustong-gusto mo siya kasi hindi mo alam ano ang pwedeng maging resulta at kinalabasan ng pag-amin mo, maaring, mas maging close pa kayo o iiwasan ka niya, pero sa mga palabas, 'pag yung isang tao umamin na nagkakagusto na siya sa taong yun eh unti-unting napapalayo sakanya yung taong yon at sa huli, iiwas na, awkward na kumbaga, iba-iba naman kasi ang kalagayan ng mga tao eh, kung sa kaibigan mo ikaw nagkagusto, malamang, magkakailangan na kayong dalawa, at kung sa isang taong hindi ka naman kilala pero kilala mo siya ikaw nagkagusto eh wala lang yon sakanya tutal hindi naman kayo magkakilala at hindi ka rin nya napapansin gaya ng pagkakapansin mo sakanya. Ang hirap, kaya nauso ang katagang: "Hanggang tingin na lang ako sayo", kasi ayaw natin na mas gawing kumplikado ang nararamdaman natin. :'( Tao lang tayo, nasasaktan, nagmumura pero nagmamahal pa rin kahit natuto na, ayon kay Idol kong si Loonie. ☺

Thursday, June 26, 2014

BAD ASS

MGA LALAKING BAD ASS, sadyang nakaka-attract yan saming mga babae hahaha, mga bad boy looks na gwapo, hindi yung mukhang snatcher ha hehe joke joke.  pero mababait naman siguro sila sa mga babaeng mahal nila. okay? bukas na continuation neto, antok na ko e hahahhaah

Wednesday, June 25, 2014

Panlilibak

Aminin mo man o hindi, libakera/o ka ring tao ka. At isa yun sa mga pwedeng maging kasalanan natin sa itaas. Kitang-kita Niya tayo sa mga ginagawa natin at dinig na dinig Niya kung ano ang pinagsasabe mo kay *insert code name here*. At syempre ako rin, hindi ko itatanggi yan kasi isa talaga ako sa barkada na magaling manlibak pero minsan mas dinadaan at sinasabi ko ito ng harapan pag ayaw ko sa isang tao, mas maganda kasi yung prangka, nanlilibak nga lang, kapag hindi ako kilala nung taong ayaw ko, ewan nasasabi kong ayaw ko ang isang tao pag nagmamagaling sya, feelingera/feelingero, suplado hindi naman naayon sa mukha, maarte hindi naman kagandahan; yang mga ganyang uri ng tao, ang sarap nilang pakainin ng sapatos hahaha. Promise! mainit dugo ko sakanila, sabihin na nilang sumisikat sila dahil sa may so-called "haters" sila, pero kingina nila eh! hindi ba nila alam na talagang nakakainis lang sila dahil sa ugali nila? Attitude Problems kumbaga, sana alam nila yan noh! Hahaha. too bad, hindi eh, sobra pa sa manhid eh hindi naamoy ang sariling baho. Hindi naiiwasan ang panlilibak lalo na sa mga barkadang nagkakasundo ng tunay kasi nga mag-barkada, hindi maiwasan sakanila na minsan pareha ang mga yan ng ayaw nila sa mga bagay-bagay, magkasundo sa lahat ng bagay, kaya sa pagiging pala-away, libakera/o, magkapareha sila. Hahahaha! Sinasabi ko ito ngayon kasi kanina lang, may nilibak kaming magkakaibigan kanina eh. Well, pasensya naman, hindi maiwasan eh, hindi talaga, talagang hindi hahaha. :D

Monday, June 23, 2014

TAO LANG.


P.S Ang gwapo mo dito, Idol ♥

Hindi ko sya ganun kakilala kasi hindi na ako nanonood ng FlitpTop Battle ngayon hindi gaya noon na tuwing binibisita ko ang YouTube ay FlipTop Battle agad ang hinahanap ko. Siguro, dahil andun si Loonie ng buhay ko. (echos! hindi nya nga ko kilala eh. haha) Pero totoo naman e, sya lang kasi inaabangan ko sa FlipTop, pangalawa na si Abra, (oops! hi Abra! gwapo nyo po. ♥) Idol ko si Loonie sa lahat kasi siya yung kilala sa FlipTop na maangas ang mga bara nya, may patalim ata and dila nya eh. Pero kakaiba talaga ang taglay na ugali nitong si Loonie, ayon sa research ko eh isa naman syang mapagmahal na asawa at ama sa pamilya niya. Hindi siya yung ibang tao na ang linis-linis sa panlabas pero ang dumi dumi naman ng kalooban. Totoo po ang sinasabi ko, maniwala man kayo o sa hindi, pero wla akong pinapatamaan sa sa sinabe ko ha, hindi ko naman nilalahat eh. :) Gusto ko lang malaman nyo kung bakit sa dami ng pwede maging idolo na mga rapper sa 'Pinas eh si Loonie talaga ang gusto ko at pinakagusto nyong lahat ng mga taga-subaybay ng FlipTop Battle, aminin nyo man yan o hindi gusto nyo rin sya, alam kong may haters din sya (tao lang naman siya eh.) pero ano naman yun sakanya? Eh hindi nya sila kilala eh, tsaka kung haters at fans lang ang labanan eh, mas marami pa rin talaga ang fans nya. Gusto ko lang mabahagi ang mga impormasyong nalalaman ko sa idol ko kaya wag nyo husgahan ang post na ito, ako at maging si Loonie ng buhay ko. ♥.♥

ONE PIECE ANIME - JAPAN










P.S: CREDITS TO THE OWNER OF THIS PHOTOS


Tandang tanda ko pa nun nung una kong napanood sa GMA 7 itong anime o palabas na to, itong kuya ko kasi ang unang taong nag-impluwensya sakin na mahalin ang anime na to, dati kasi hind ako interesadong nanonood ng mga panlalaking palabas eh lalo na pag alam ko na puro away o digmaan lang ang pinapakita sa istorya, lalo na't hindi pa maganda sa mata ang mga character ng palabas, hindi gaano kaganda ang pagkakaguhit sa mga disenyo o sa mga nais ipahiwatig na ugali ng isang character sa palabas, eh hindi ko talaga papansinin yan, pero nung mga nagdaang buwan, Second-year college ako, parang nagkaisip akong panoorin ang One Piece kasi, lagi kong nakikita sa Facebook yung mga friends kong makapag-post o makapag-like ng mga status at updates eh walang tigil sa pagsusubaybay; di na ko nag-alinlangan pang panoorin ang unang episode nito, sa umpisa, talagang hindi ko naiwasan sabihing: "wala magandang maidudulot to saakin, lalo na about pa sa mga pirata ang kwento." Pero mali pala ako ng inakala, kahit na mga pirata ang mga bida sa anime na to, eh kabaligtaran naman sa pagkakaalam natin ang ugaling taglay ng mga bidang character lalo na si Monkey D. Luffy, na isang simpleng binata na nangangarap maging isang hari ng mga pirata, sa pananaw nyang 'yon, maraming mga taga-subaybay nya ang naniniwala sakanya na ang pangarap nyang 'yon ay matutupad sa tulong ng mga kaibigan nyang pirata na sa iba't ibang aspeto at pamamaraan ay may taglay ring lakas. 'Di lamang sa buong Asya sumisikat at nagbibigay inspirasyon ang palabas na ito, kundi maging sa buong mundo na kung saan naniniwalang: "Ang pagkakaibigan ay walang iwanan.", kumabaga pa sa kasabihang ito hindi tropa-tropa lang ang turingan nyo kundi higit pa sa magkakapatid at magkakadugo ang pwede nyong ipakitang pagmamahal sa isa't-isa.

Kapag napagod ka nang mag-mahal. . .

Alam mo naman sa sarili mo na hindi mo ginustong mangyari na maramdamang mapagod kana sa pagmamahal lalo na kung yung taong minamahal mo eh hindi ka man lang kayang bigyang halaga kahit na katiting lang, o hindi man lang magawang iparamdam sayo na alam niya rin sa sarili nya na may nagmamahal sa kanya. Kumabaga pa, pag dumaan ka sa harapan nya, dead air, walang naramdaman, ni-spark o kiliti man lang sa katawan nya eh isa ka lamang malaking tanong sa isipan nya. Maaring, hindi mo pa narerealize ngayon sa sarili mo ang lahat ng ginawa mo para lang malaman nyang mahal na mahal mo sya eh hindi pa pala sapat pero sasusunod na mga araw, buwan o taon man ang lumipas, makakalimutan mo rin sya at masasabing: "Minahal ko pala siya? Sorry, napagod lang kasi akong magmahal sa kanya noon eh."

Ang gwapo nya na nga, sumobra pa nung nag-skateboard na. ♥

Magbasa ng libro.

Pag nagbabasa kasi ng libro, malaking malaki yung chansa na makakakuha ka pa ng mas makabagong kaalaman na hindi pa nasasabi sayo ng teacher/instructor/professor mo. Kahit anong libro na pwede mong basahin, basta sa tingin mo, may matutunan ka roon eh basahin mo na, pag nasimulan naman kasing magbasa eh, parang ayaw mo ng hintuan yung binabasa mo hangga't hindi mo pa ito natatapos lalo na kapag mga teen fiction, young adult fiction yung mga trip na trip mong basahin kasi saydayng makakarelate ka sa istorya ng mga character sa librong binabasa mo :)

Guys who do skateboarding. ♥

Hindi man aminin ng lahat ng babae, sadyang ibang iba pa rin ang mga tili nila pag nakakita na ng lalaking hanep kung magdala ng skate board nito. ♥